Wednesday, November 6, 2013

50 Iranian, naospital sa polusyon

TEHRAN, Iran (AP) — Iniulat ng isang Iranian newspaper na mahigit 50 katao ang naospital sa lungsod sa katimogan na tumaas ang antas ng polusyon nitong linggo.


Sa ulat ng pahayagang Arman, sinabi ng pinuno ng provincial health department na si Mohammad Hossein Sarmast, na halos 5,000 katao ang isinugod sa ospital ng lungsod sa Ahvaz matapos umakyat ang antas ng polusyon kasunod ng pagkidlat at pag-ulan noong Linggo.



Sinabi ng isa pang opisyal ng kalusugan na si Mohammad Alavi, na maaaring ang acid rain ang nagdulot ng mga sintomas gaya ng kaapusan ng hininga ng ilan sa mga naospital.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



50 Iranian, naospital sa polusyon


No comments:

Post a Comment