Monday, November 25, 2013

400 mag-aaral sa India nalason sa school meal

MAHIGIT 400 estudyante sa isang paaralan sa Mumbai ang isinugod sa ospital matapos masangkot sa food poisoning.


Batay sa impormasyon, nalason ang daan-daang mga mag-aaral ng Anjuman Nurool Islam Urdu School sa kinaing cake mula sa libreng school meal.


Dumanas ang mga ito ng pagsusuka, pagkahilo, at pananakit ng tiyan matapos kumain ng cake na nirarasyon lamang ng isang organisasyon.


Gayunman ay nasa stable nang kondisyon ang mga estudyante at ilan sa mga ito ang nakalabas na ng ospital.


Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng mga awtoridad ang posibleng reklamong ihahain laban sa nag-sponsor ng naturang cake.


Noong Hulyo ay 23 bata naman sa estado ng Bihar ang namatay sa food poison matapos ding kumain sa kanilang Mid-Day meal.


Ang Mid-Day Meal ng India ay nagbibigay ng libreng pagkain sa mga bata sa pag-asang makahikayat sa mga estudyante na mag-aral.


Ito ang pinakamalaking school feeding program sa mundo kung saan umaabot sa 120 million bata na ang natulungan.


The post 400 mag-aaral sa India nalason sa school meal appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



400 mag-aaral sa India nalason sa school meal


No comments:

Post a Comment