Sunday, November 3, 2013

4 sundalong nasugatan sa sagupaan sa Legazpi, pinarangalan

PINARANGALAN ng 9th Infantry Division Philippine Army ang apat na sundalong nasugatan sa naganap na engkuwentro sa Legazpi City.


Ginanap ang seremonya nitong Linggo ng hapon, kung saan iginawad sa kanila ang “wounded personnel medal.”


Ayon kay Captain Marjorie Panesa ng Public Affairs Officer ng 9th ID, ang nasabing pagkilala ang ibinibigay sa sinumang sundalong nasusugatan sa mga sagupaan.


Matatandaang nasugatan sa 10 minutong pakikipagsagupaan sina PFC Ryan Magistrado, PFC Melvin Navarro, Corporal Henry Niño Bara, at PFC Valentino Reñon laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA).


Kung maaalala, magkakasunod na engkuwentro ang naitala kahapon sa Albay, isa na rito ang sa Mariawa Legaspi City, sa Talahib at Jovellar Albay na ikinamatay ng tatlong rebeldeng NPA.


The post 4 sundalong nasugatan sa sagupaan sa Legazpi, pinarangalan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



4 sundalong nasugatan sa sagupaan sa Legazpi, pinarangalan


No comments:

Post a Comment