Wednesday, November 6, 2013

4 laban, idinagdag sa One FC

Apat pang laban ang idinagdag para sa inaabangang “One FC: Moment of Truth” na nakatakda para sa Disyembre 6 sa Mall of Asia Arena.


Magbabalik sa aksiyon ang Pinoy mixed martial artists na sina Kevin Belingon na lalabanan ang wala pang talong si David Aranda Santacana, at Geje Eustaquio na tatapatan ang kababayang si Eugene Toquero. Magtutuos naman ang Amerikanong si Caros Fodor at Vuyisile Colossa, habang magkakasubukan ang heavyweights na sina Alain Ngalani at Paul Cheng ng Canada.



Si Belingon ang kasalukuyang URCC bantamweight champion at bitbit niya ang momentum papasok sa laban. Bagamat nabigo sa kanyang pagsabak sa “One FC: Rise To Power” noong Mayo laban sa beteranong si Masakatsu Ueda, hawak naman niya ang mga impresibong pagpapakita kontra Yusup Sadulaaev at Vietnamese-Australian na si Thanh Vu sa One FC cage.


Sa kabilang dako, si Santacana, tubong Barcelona, Spain, ay wala pang talo sa MMA.


Siya ay kilala sa kanyang submissions at nakuha ang walong panalo sa kanyang huling siyam na laban. Magiging kapana-panabik ang kanyang pakikipagtuos kay Belingon at inaasahang maganda ang match-up ng striking ni Belingon sa ground game ni Santacana.


Ang pinakahihintay naman na rematch para sa One FC featherweight world title sa pagitan ng kasalukuyang kampeong si Koji Oishi at Pilipinong si Honorio Banario ang main event ng nasabing event. – Kristina Maralit


.. Continue: Balita.net.ph (source)



4 laban, idinagdag sa One FC


No comments:

Post a Comment