Thursday, November 7, 2013

3-year jail term sa negosyante sa tax evasion

Sinentensiyahan ng Quezon City Metropolitan Trial Court (MTC) ang isang negosyante dahil sa umano’y hindi pagbayad ng tamang buwis, ayon sa Bureau of Internal Revenue.


Sa desisyong na inilabas noong Lunes, ipinag-utos din ni MTC Presiding Judge Joel Socrates Lopena si Jose Marie Santiago na magbayad ng multang P25,000.



Si Santiago ang may-ari ng Migo’s Fritters na nagbebenta ng French fries sa mga shopping mall at iba pang establisimiyento. Ang tanggapan nito ay matatagpuan sa Madasalin St., Teachers’ Village, Quezon City.


Naghain ng tax evasion case ang BIR prosecution office laban kay Santiago matapos itong magbigay ng invoice na nakarehsitro sa ibang kumpanya na kanya ring pag-aari


Nabisto ang anomalya sa buwis matapos magreklamo si Andree Lagdameo sa BIR na binigyan siya ni Santiago ng resibo na nakarehistro sa 21st Trading matapos bayaran ng una ng P50,000 para sa prangkisa ng Migo’s Fritters.


Sa pagdinig, inamin ni Santiago na bagamat may sariling resibo ang Migos Fritters, nagbigay pa rin siya ng invoice ng 21st Trading dahil may-utang siya na malaking halaga kay Lagdameo. – Jun Ramirez


.. Continue: Balita.net.ph (source)



3-year jail term sa negosyante sa tax evasion


No comments:

Post a Comment