Sunday, November 10, 2013

3 paliparan sa Visayas balik-operasyon na

NORMAL na ang operasyon sa tatlong paliparan sa Visayas na napinsala ng bagyong Yolanda ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Deputy Director General Rodante Joya ngayong araw, Nobyembre 11.


Ani Joya, maaari nang maglapag at magsakay sa Roxas, Kalibo at Busuanga Airport.


Kinailangan lang aniya na ipatigil ang operasyon sa mga naturang paliparan at maging sa Tacloban dahil sa tindi ng pinsalang idinulot ng hangin at ulan ng bagyo.


Sa apat na apektadong airport, ang Tacloban lang muna ang nasa limited commercial operations.


Ibig sabihin, maaari nang lumapag sa Tacloban kung ang biyahe ay mula at palabas sa Cebu.


Naipalaam na aniya ito sa mga airline company.


The post 3 paliparan sa Visayas balik-operasyon na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



3 paliparan sa Visayas balik-operasyon na


No comments:

Post a Comment