Tuesday, November 19, 2013

2,000 US Marines sasabak sa “Operation Damayan”

POSIBLENG umabot sa 1,500 hanggang 2,000 Marine forces sa bansa ang tutulong ngayong linggo para sa “Operasyon Damayan” ng US military.


Ayon sa ulat, dadagdagan pa ng Pentagon ang puwersa na idineploy sa Pilipinas para sa relief at recovery operation sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.


Sa ngayon ay nasa 260 ang tropa ng US Marines na nasa Samar at Leyte at ngayong araw ay darating ang karagdagang 900 pang Marine soldiers, kasama ang amphibious vessels ng Amerika.


Inihayag ni Pentagon spokesman George Little, isang treaty ally ang Pilipinas at nakahanda ang Amerika na tumulong sa mga kaalyadong bansa sa panahon ng krisis.


Malaking tulong ayon sa Estados Unidos ang apat na Osprey planes nila na tumutulong ngayon sa pag-airlift ng relief supplies at inihahatid sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.


Ayon sa isang senior US Marine Corps, bagama’t hindi idinesenyo ang Osprey para sa medevac duty, magagamit ito sa casualty evacuation para agad madadala sa mga pagamutan ang mga sugatan.


Ang Osprey ay maaaring makalipad ng walang tigil mula Japan hanggang Pilipinas.


The post 2,000 US Marines sasabak sa “Operation Damayan” appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2,000 US Marines sasabak sa “Operation Damayan”


No comments:

Post a Comment