Thursday, November 21, 2013

2 pang atleta, inihirit ng Wushu

Ni Angie Oredo


Hindi pa rin makumpleto ang pinal na listahan ng delegasyon ng Pilipinas na lalahok sa nalalapit na 27th Southeast Asian Games dahil sa patuloy na pagnanais ng mga national sports association tulad ng Wushu Federatin of the Philippines (WFP) na maisama ang ilan nitong mga atleta.



Ito ay matapos na isumite ng Wushu ang mga pangalan nina Kariza Kriz Chan at Natasha Enriques na karagdagan sa listahan ng pambansang delegasyon kahit tapos na ang deadline para sa pagpapadala ng bubuo sa delegasyon ng Pilipinas sa kada dalawang taong torneo na gagawin simula Disyembre 11 hanggang 22.


Ipinagmalaki ngWushu na sina Chan at Enriquez ang posibleng tanghaling mananalo ng gintong medalya sa SEA Games dahilan sa pinakamataas ang nakuhang puntos ng pareha sa lahat ng sumaling karibal mula sa rehiyon.


Tumapos na ikalima sa ginanap na 5th World Wushu Championships sa Kuala Lumpur Malaysia ang dalawa sa itinala nitong puntos na 9.46 kontra naman sa Brunei, Singapore at Malaysia. Kasundo ito ng Iran (9.57) habang tabla sa pilak ang Hongkong at Macau (9.60) habang iniuwi ng Ukraine ang ginto sa 9.75 puntos.


“It is up to PSC Chairman Richie (Garcia), POC Chairman Tom (Carrasco) at Col Jeff Tamayo (Team Philippines SEA Games chef de mission) to decide. As for me, I am only processing the papers. Tapos na ang deadline and consequence iyan na baka lalong lumaki ang delegation,” sabi ni SEA Games Task Force member Paul Ycasas.


Samantala, apat na ang magrererpsenta sa swimming matapos mapasama ang London Olympian na si Jessie King Lacuna.


Inaprubahan ni POC president Jose Cojuangco Jr. at Garcia ang apela ni swimming president Mark Joseph na ipasok na rin si Lacuna na beterano ng 2009 Laos at 2011 Palembang, Indonesia SEA Games. Si Lacuna ang lalabas na ika-203 manlalaro ng delegasyon.


Hindi na kailangan ng Task Force SEA Games na ihabol ang pangalan ni Lacuna sa Myanmar SEA Games Organizing Committee dahil nakasama ito sa entry-by-name na ipinasa ng bansa noon pang Oktubre.


Naunang binigyan ng go-signal ang mga Filipino-American tanker na sina Joshua Bada Hall at Matt Louis Abad Navata at London Olympian Jasmine Alkhaldi na natatanging lady tanker ng delegasyon.


Ipinaalam naman ni Ycasas na sa Nobyembre 29 ang send-off ceremony sa PhilSports Arena habang simula sa Lunes ang distribusyon ng parade uniforms at luggages. Isasagawa sa Nobyembre 21-22 ang physical examination at medical ng lahat ng atleta sa Philippine Center for Sports Medicine.


Matatandaan noong 2011 ay nag-uwi ang Pilipinas ng 36 ginto, 56 pilak at 77 tanso para sa kabuuang 167 medalya.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



2 pang atleta, inihirit ng Wushu


No comments:

Post a Comment