Sunday, November 17, 2013

2 menor de edad sinumpak sa Muntinlupa

NASA kritikal na kondisyon ang isa sa dalawang menor de edad na sinumpak ng grupo ng kalalakihan sa naganap na rambulan sa Poblacion Muntinlupa City.


Kinilala ang mga biktima na sina J.C. Tacatan, 14, nilalapatan ng lunas sa ospital ng Muntinlupa, samantalang si Eugene Arevalo, 12 ay nasa malubhang kalagayan bunga ng tama ng sumpak sa ulo at shrapnel sa bahagi ng katawan.


Sa ulat ng awtoridad, ang insidente ay naganap alas-2:00 ng madaling araw sa Pulong Eng-eng, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.


Batay sa ulat, ang mga biktima ay inabangan ng isang grupo ng kalalakihan na sinasabing kasapi ng isang fraternity.


Nang makita ang mga biktima ng mga suspek na kinilalang sina alyas PJ, Miko, Pondoy at iba pang kasamahan ay binato nila ng pillbox ang mga biktima.


Hindi pa nasiyahan ang mga suspek, pinaputukan pa nila gamit ang sumpak ang dalawa.


Agad nagsitakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.


The post 2 menor de edad sinumpak sa Muntinlupa appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 menor de edad sinumpak sa Muntinlupa


No comments:

Post a Comment