Saturday, November 23, 2013

2 lola, makikibahagi sa PSC Laro’t Saya

Hindi hadlang para sa magkaibigang Octogenarian at Septuagenarian ang kanilang edad matapos sumali sa Philippine Sports Commission (PSC) program na Laro’t-Saya, PLAY ‘N LEARN na itinuturo ang healthy lifestyle bilang isang family-oriented at grassroots development activity tuwing Sabado at Linggo.



Personal na pinirmahan ng 80-anyos na si Veronica Demansana at Feliza Marfil, 76-anyos, ang kanilang entry form upang maging bahagi at masaksihan ang inaasahang pinakamalaking pagtitipon ng mahihilig sa aerobics na gaganapin sa Disyembre 15 sa Burnham Green sa Luneta Park.


“Madalas pa kaming sumali sa ballroom,” sinabi ni Demansana, may walong anak na puro propesyunal kung saan ay lagi nitong kasama si Marfil na mayroon namang apat na anak.


“Kailangan namin sa edad na ito na sumali sa iba’t ibang aktibidad para makaiwas sa sakit at hindi kami manghina,” sabi naman ni Marfil.


Samantala, nakisali din ang mga estudyante mula sa Victory Chapel na kabilang sa football school at anak ng mga sundalo mula sa Philippine Army, sa programa na sinalihan ng kabuuang 293 katao matapos na pansamantalang inilipat sa Burnham

Green sa Luneta Park.


Sinabi ni PSC Laro’t-Saya project manager Dr. Lauro Domingo Jr. na inaasahan nitong lalampas sa mahigit na 1,000 katao ang sasali sa isasagawang aero marathon base sa kanilang rehistrasyon. Paglalabanan sa aero marathon ang titulo sa edad 18-40 anyos at edad 41 hanggang 55.


Kabuuang 152 naman ang sumali kahapon sa aerobics, 16 sa arnis, 6 sa badminton, 15 sa chess, 75 sa football, 14 sa karatedo at 15 sa volleyball. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



2 lola, makikibahagi sa PSC Laro’t Saya


No comments:

Post a Comment