Tuesday, November 26, 2013

2 kulong sa pagbabayad ng pekeng pera

SWAK sa kulungan ang magkapitbahay matapos magbayad ng pekeng pera sa bakery sa Caloocan City kaninang madaling-araw, Nobyembre 26.


Kinilala ang mga suspek na sina Denmark Jarencio, 25 at John Paul Santos, 20 kapwa ng Tuna St., ng lungsod.


Sa ulat, alas-4 ng madaling-araw, bumili ng tinapay ang mga suspek sa bakery sa A. Mabini St., ng lungsod at nagbayad ng buong P1,000.


Napansin ng may-aring si Jimmy Huerta na peke ang pera na naging dahilan upang magpatawag ng mga pulis at nang respondehan ay dinakip ang mga suspek bago dinala sa presinto.


Sinampahan ng kasong illegal possession/used of counterfeit money ang dalawa.


The post 2 kulong sa pagbabayad ng pekeng pera appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 kulong sa pagbabayad ng pekeng pera


No comments:

Post a Comment