Friday, November 15, 2013

2 bilanggo sa QC, nakatakas

Dalawang bilanggo ang nakatakas sa isang himpilan ng pulisya sa Quezon City kahapon ng madaling araw.


Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director Chief Supt. Richard Albano ang mga nakatakas na sina Celino Santos, 42; at Florence Batoy, 26, kapwa residente ng Quezon City.



Sinabi ni Albano na natuklasan ang pagtakas ng dalawang bilanggo bandang 3:45 ng umaga kahapon sa kanilang kinapipiitan sa QCPD-Station 10 sa Kamuning.


Ayon sa pulisya, si Santos ay may kasong illegal possession of firearms na may kasong murder, habang robbery naman ang kaso ni Batoy.


Habang tinutugis ang mga pugante, sinabi ni Albano na sinibak sa puwesto sina Insp. Ramon Austria at ang desk officer na si SPO1 Jun Vargas, kapwa naka-duty nang mangyari ang pagtakas. – Jeff G. Damicog


.. Continue: Balita.net.ph (source)



2 bilanggo sa QC, nakatakas


No comments:

Post a Comment