Friday, November 15, 2013

1st Erap Boxing Cup ngayon

Uupak ngayon ang 1st Erap Boxing Cup sa San Andres Gym bilang bahagi ng Sports Development program ng City of Manila sa ilalim ni Mayor Joseph Estrada.


Sinabi ni Manila Sports Council Chairman at basketball legend Philip Cezar na event ay suportado ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP).



Ibinigay ng ABAP ang oportunidad sa much-needed exposure sa mga kandito para sa SEA Games sa Myanmar sa susunod na buwan kung saan ay ipinadala nila ang 12 national boxers laban sa fighters na mula sa Sri Lanka at Vietnam.


Ang foreign pugs ay napasama sa pinagsamang training camp ng Filipinos sa Philippine Sports Commission facility sa Baguio City sa nakalipas na dalawang linggo.


Buong pusong tinanggap ni ABAP President Ricky Vargas ang tsansang makatulong sa tinatarget na pag-angat ng Manila sa kanilang sports program, kasama na ang torneong ito.


“We know that Mayor Erap is an avid boxing and sports fan so we see this as a beginning of a productive and symbiotic relationship between the City of Manila and ABAP.”


Mga kabataang discoveries na mula sa Batang Pinoy program ng Philippine Sports Commission, karamihan ay taga-Mandaluyong at Tayabas, Quezon teams, ang magpapasimula sa curtain-raisers.


Ang matches ay gaganapin ngayon sa San Andres Gym sa Manila sa ganap na ala-1:00 ng hapon.


Inaasahang magpapasinaya sa okasyon, maliban kay Mayor Estrada, ay si Vice-Mayor Isko Moreno, Manila congressmen at councilors.


Ang admission ay libre.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



1st Erap Boxing Cup ngayon


No comments:

Post a Comment