Monday, November 11, 2013

17 lalawigan, nasa signal No. 1 kay ‘Zoraida’

Aabot na sa 17 lalawigan ang isinailaim sa public storm warning signal (PSWS) number one kasabay ng pagpasok sa bansa ng bagyong ‘Zoraida’.


Batay sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) pasado 1:00 kahapon, taglay ng bagyo ang pinakamalakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna.



Nasa Signal No. 1 ang Dinagat Province, Siargao Island, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Davao Oriental, Davao del Norte kasama ang Samal Island, Bukidnon, Misamis Oriental, Camiguin Island, Siquijor, Southern Cebu, Bohol, Negros Oriental at Southern Negros Occidental.


Batay sa nasabing weather bulletin, si Zoraida ay nasa layong 830 kilometro silangan-timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, at patuloy na kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.


Sa taya ng PAGASA, ngayong araw hahagupit ang bagyo sa Surigao del Sur.


Inaasahan ding tatahakin ng bagyo ang katimugang Bohol at katimugang Cebu, patungong Southern Negros Oriental at Northern Palawan.


Sa Huwebes ng gabi inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo. – Rommel P. Tabbad


.. Continue: Balita.net.ph (source)



17 lalawigan, nasa signal No. 1 kay ‘Zoraida’


No comments:

Post a Comment