Thursday, November 7, 2013

15ft high ‘storm surge’ ibinabala sa Ormoc coastal areas

NAGSASAGAWA na ng paglilikas ang lokal na pamahalaan sa lungsod ng Ormoc partikular sa mga nakatira sa coastal areas dahil sa banta ng storm surge.


Batay sa pagtaya ng DOST-NOAH, aabot sa 5.2 meters high o halos 15 feet ang taas ng alon at mangyayari ang peak nito alas-4:00 ng hapon mamaya.


Sinabi ni PO1 Alberto, kahapon pa naglilibot ang mga awtoridad na nag-aanunsyo para sa evacuation. Pero aminado ito na meron pa ring matitigas ang ulo na ayaw lumikas.


Mahigpit ding pinagbawalan ang mga mangingisda na huwag munang pumalaot.


Ang ilang barko ng Coast Guard at mga private vessel ay nagtago mula sa ibang lugar tulad sa Cebu City at Merida, Leyte upang makaiwas sa higanteng mga alon.


Ang sentro ng pagtama ng supertyphoon Yolanda sa Eastern Samar ay malapit lamang sa Ormoc.


Una rito, maging ang Pangulong Noynoy Aquino ay nagsalita upang manawagan nang evacuation sa mga coastal areas na inaasahan ang storm surge.


May lumabas ding ulat na umaabot sa 80 katao ang nai-rescue sa isang kapilya na aabutin sana ng storm surge sa Guiuan, Eastern Samar.


Tinatayang aabot pa ng hanggang 17 feet ang taas ng alon sa bahagi ng Matarinao Bay sa Eastern Samar na ang peak ay alas-8:00 ng umaga.


Sa Tacloban City ay tinatayang nasa 3.6 meters ang storm surge.


The post 15ft high ‘storm surge’ ibinabala sa Ormoc coastal areas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



15ft high ‘storm surge’ ibinabala sa Ormoc coastal areas


No comments:

Post a Comment