Thursday, November 14, 2013

13th month pay ng gov’t employees, maagang maibibigay

Malaki ang posibilidad na maagang ipapalabas ang 13th month pay ng mga government employee na malaking bilang sa mga ito ay naging biktima ng mga kalamidad.


Sinabi ni Budget Sec. Butch Abad na ikinokonsidera nila ang mungkahi upang agad na magamit ng ating mga kababayan ang hinihintay na pera.



Ayon pa kay Abad, dati na itong ginawa sa mga biktima ng typhoon Ondoy noong 2009 kung kaya’t wala silang nakikitang problema kung gagawin muli ito sa biktima ng malakas na lindol kamakailan at sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.


Noong 2009, inaprubahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang maagap na release ng kalahati ng 13th month pay ng mga state worker upang makatulong matapos ang pananalasa ng bagyong Ondoy. – Beth Camia


.. Continue: Balita.net.ph (source)



13th month pay ng gov’t employees, maagang maibibigay


No comments:

Post a Comment