Thursday, November 21, 2013

130,000 petitioner nagdiwang sa pagbasura sa PDAF

Ipinagbunyi ng grupong Million People March sa pangunguna ni Peachy Rallonza-Bretaña ang pagbasura ng Korte Suprema sa PDAF bilang “a giant step for economic justice.”


Nanguna sa Million People March petition sa Change.org na nakakalap ng 16,000 lagda sa online at 85,700 sa dokumento, pinapurihan ni Bretaña ang pagdedeklara ng Supreme Court sa PDAF, na kilala rin bilang “pork barrel” fund, bilang “unconstitutional.”



Matatandaan na pinangunahan ng MPM ang malaking protest rally sa Luneta Park noong Agosto 26 upang igiit ang pagbasura sa “pork barrel”fund bunsod ang nabuking na paglulustay ng bilyung halaga ng pondo ng ilang mambabatas na nakipagkutsabahan sa negosyanteng si Janet Lim Napoles.


Ipinagmalaki ni Change.org Philippines campaigns director Inday Espina-Varona na mabilis na kumalat ang kampanya laban sa paglulustay ng PDAF sa pamamagitan ng lagda ng mga petitioner na bumabatikos sa kontrobersiyal na pondo na umabot sa 47,000.


Kasamang nagdiwang si Leonard “Len” Dante Clariño ng Citizens Group for Good Governance (C@G@), na nakakalap ng halos 5,000 lagda, sa desisyon ng Kataas-taasang Hukuman laban sa pork barrel system na itinuturing ng grupo bilang “ugat ng korapsiyon.”


Subalit giit ni Bretaña na hindi pa tapos ang giyera.


Aniya, tatlong isyu ang kinatigan ng Korte Suprema hinggil sa MPM petition: 1) Pagbasura sa lahat ng ‘pork; fund; 2) Paghahain ng kaso laban sa lahat ng partido na naglustay sa pondo, kahit anong partido pulitikal sila kaalyado; at 3) Pagtukoy sa lahat ng pinagkagastusan ng PDAF ng mga mambabatas.


“Hindi pa tapos ang laban,” giit ni Bretaña.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



130,000 petitioner nagdiwang sa pagbasura sa PDAF


No comments:

Post a Comment