Wednesday, November 13, 2013

13 Vietnamese nalambat sa Palawan

NALAMBAT ng awtoridad ang 13 Vietnamese dahil sa pangingisda sa loob ng bansa.


Ayon kay Immigration Commissioner Siegfried Mison, nasakote ang mga mangingisda habang nakasakay sa isang Malaysian registered vessel sa bahagi ng barangay Mangsee sa Balabac, Palawan.


Maliban sa pagpasok sa teritoryo ng bansa nang hindi dumadaan sa immigration process, nahaharap din sa kasong poaching o ilegal na pangingisda ang mga ito.


Sa ilalim ng batas, maaaring kumpiskahin ng pamahalaan ang mga huling isda at kagamitan nila maging ang kanilang fishing vessel.


Ang kasong poaching ay may multa na $50,000 hanggang P200,000.


The post 13 Vietnamese nalambat sa Palawan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



13 Vietnamese nalambat sa Palawan


No comments:

Post a Comment