Thursday, November 14, 2013

12,000 magsisilang sa evacuation centers – WHO

Inihayag ng World Health Organization (WHO) na posibleng mahigit sa 12,000 ina ang magluluwal ng sanggol sa mga evacuation center ngayong Nobyembre.


Ayon kay WHO Representative Dr. Julie Hall, dapat na paghandaan na ng mga government relief agency at medical team ang inaasahang panganganak ng mga buntis sa lugar na nasalanta ng super bagyong “Yolanda” sa iba’t ibang lalawigan sa Visayas.



“Obviously a pregnant women and a new born baby will be particularly vulnerable when it comes to a disaster, so it is important that clean reproductive health kits are there,” sinabi ni Hall.


Ito ay sa kabila ng hirap na dinaranasan ng mga relief at medical team na makarating sa mga nasalantang lugar dahil sa mga nagbagsakang puno at poste sa lansangan.


Imbes na powedered-milk, pinayuhan din ni Hall ang mga ina na magpasuso ng kanilang bagong silang na anak upang lumakas ang kanilang resistensiya laban sa sakit.


“At the moment there is very little clean water. Mixing formula with dirty water would be deadly for babies,” paliwanag ni Hall.


“Breast feeding babies even at the best of times, even when there is no disaster is the best thing you could do for a baby. And during a disaster it is absolutely vital that women are supported to breastfeed their babies fully for six months,” dagdag ng WHO official.


Umapela rin si Hall sa mga donor na huwag magpadala ng mga formula milk upang mahikayat ang mga ina na magpasuso ng kanilang bagong silang na anak. – Samuel Medenilla


.. Continue: Balita.net.ph (source)



12,000 magsisilang sa evacuation centers – WHO


No comments:

Post a Comment