Wednesday, November 20, 2013

11 sundalo patay sa car bombing sa Egyt

PATAY ang 11 sundalo sa pagsabog ng car bomb sa Sinai sa Cairo, Egypt.


Ayon sa mga ulat ng state media, minaniobra ng isang suicide bomber ang pagsabog habang dumaraan ang dalawang bus na nagsasakay sa infantry soldiers sa bahagi ng El-Arish.


Kinumpirma ng army na ang mga nasawi ay siyam na conscripts at dalawang non-commissioned officers.


Walang umaako sa naturang pagpapasabog kung saan 34 pa ang sugatan.


Sa hiwalay na pag-atake sa Northern Cairo, isang checkpoint ang hinagisan naman ng explosive device na ikinasugat ng apat.


Noong isang buwan lamang nang apat na security officers ang namatay sa isang suicide bombing attack na nagsimulang tumindi nang mapatalsik si Islamist president Mohamed Morsi.


The post 11 sundalo patay sa car bombing sa Egyt appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



11 sundalo patay sa car bombing sa Egyt


No comments:

Post a Comment