Tuesday, November 5, 2013

10,000 rial pabuya sa kada illegal worker sa Saudi

Nina Nannet Valle at Samuel Medenilla


Magbibigay ng pabuya na 10,000 Saudi Arabian rial o P120,000 sa makapagtuturo sa kada isang illegal worker sa bansa sa pagsisimula ng crackdown na inilunsad ng Saudi government kamakalawa.


Nabatid na ang pabuya ay ipagkakaloob pagkatapos na mahuli ang illegal workers, na may expired na residence permit o Iqama at nagtatrabaho sa ibang kumpanya na hindi nila legal sponsor.



Gayundin, ipinababatid ng Saudi authorities na ang mga legal worker na mahuhuling may kasamang illegal worker sa bahay at sasakyan ay papatawan din ng parusa.


Ayon naman sa Ministry of Labor ng Kingdom of Saudi Arabia, tututukan nila ang mga kumpanya bago ang mga tirahan, ito rin ang paglilinaw sa kumakalat na isyu na plano ng government ministry na magsagawa ng raid sa mga bahay para manghuli ng mga illegal worker.


Sinabi ni Hattab Al-Enezi, ministry spokesman, na hindi intensiyon ng kampanya na mambulabog ng kabahayan. “Expatriates and citizens have every right to stop inspectors from entering their homes,” sabi pa ng opisyal.


Samantala, aabot sa 13,000 undocumented overseas Filipino worker (OFW) ang inaasahang babalik sa Pilipinas mula sa Saudi dahil sa ipinatutupad na “Saudization.”


Sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na 12,729 undocumented OFW ang naghihintay na sa kanilang repatriation.


Mula sa kabuuang bilang, 10,409 ang nakumpleto na ang kanilang travel document.


“They will be continuously be repatriated as their exit visas are released,” sabi ni Baldoz.


Nakapagpauwi na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 4,330 OFW nang simulan ang kampanya sa pag-aresto sa mga undocumented worker.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



10,000 rial pabuya sa kada illegal worker sa Saudi


No comments:

Post a Comment